Upang gunitain ang pista ni Santo Domingo de Guzman, ang tagapagtatag ng kongregrasyong Order of Preachers, inilunsad ng kumbento ng Santo Domingo ang Santo Domingo Exhibit kung saan makikikita ang mga antigong paglalarawan sa mga bagay at tauhan na nauugnay sa ama ng mga Dominikano.
Ayon kay P. Bienvenido Trinilla, O.P., prior ng kumbento ng Santo Domingo kung saan idinaos ang exhibit mula ika-22 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Agosto, layunin nitong ipakilala si Santo Domingo sa mga tao sa parokya at mga karatig lugar.
“Hindi gaanong kilala si Santo Domingo maging dito sa aming parokya gayong siya ang aming patron. Mas alam kasi sa simbahan ang Birhen ng La Naval. Kaya sa pamamagitan ng exhibit na ito, gusto naming tugunan ang nasabing suliranin,” wika ni Trinilla sa Varsitarian.
Maliban sa mga kagamitan sa simbahan, larawan ni Santo Domigo, at mamahaling krus na yari sa ivory, itinanghal din ang ilan sa mga mahahalagang bagay na sumisimbulo sa pananampalataya ng mga Dominikano tulad ng mga relikiya nina San Martin, San Alberto, at Santo Tomas de Aquino, at ng iskulturang kahoy ni Santa Maria Magdalena, patron ng mga Dominikano at unang tagapangaral ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Kapansin-pansin din sa exhibit ang “Siyam na Paraan ng Pagdarasal” na binubuo ng mga ukit sa kahoy na nagpapakita ng iba’t ibang pamamaraan ng pagdarasal ni Santo Domingo. Kabilang sa koleksiyong ito ang La inclinacion profunda (pagyuko sa harap ng altar), La venia (pagdapa sa sahig upang humingi ng kapatawaran), La disiplina (pagpepenitensiya), La genuflexion (pagluhod ng madalas sa harap ng krus), La contemplacion (paggamit ng kilos ng katawan habang nagninilay), Con los brazos entendidos en forma de cruz (pagdipa habang nananalangin), De viaje (pag-aalay ng paglalakbay sa Diyos), La meditacion (pag-aaral upang maunawaan ang katotohanan), at ang Con las manos en porma deflecha hacia el cielo (pagtingala sa langit).
Sa pamamagitan ng mga pamamaraan na sinasalamin ng mga obrang ito, binigyan ni Santo Domingo ang disiplina ng pananalangin, na itinuturing niyang galing sa Diyos, ng nararapat na pagpapahalaga.
“Ang Iyong displina ang nagtuturo sa akin ng daan patungo sa tamang landas,” sambit ni Santo Domingo sa kalakip na paliwanag ng koleksyon.
Gayundin, isang bahagi ng exhibit ang inilaan para sa mga rosaryo na itinuturing na isa sa mga mahahalagang simbolo ng mga Dominikano.
Ayon kay Beato Alan de la Roche, O.P., isang Dominikanong Pranses, ibinigay ng Mahal na Birhen ang banal na rosary kay Domingo habang nananalangin sa isang gubat sa Tolouse, isang siyudad sa timog-kanlurang Pransiya.
“Ito ang magtuturo sa aking mga kapatid kung paano magdasal. Tatawagin ko itong rosaryo sapagkat mangangagulugan itong ’mga rosas para kay Maria,’” wika ng santo ayon kay de la Roche.
Tampok din sa exhibit ang La Japonesa, isang antigong imahe ng Nuestra Señora del Rosario. Nagmula sa bansang Hapon ang pangalan ng poon dahil pinaniwalaang nakarating ito sa bansa.
Ngunit, niliwanag sa exhibit na hindi ito sa Hapon nakarating kundi sa Mehiko kasama ng poon ng Nuestra Señora de la Paz y Buen viaje noong ika-23 ng Enero 1748 sa pamamagitan ng Capitana, isang galyon.
Bukod sa mga tampok na imahe, isang audio-visual presentation na nagsasalaysay sa buhay at mga kontribusyon ni Santo Domingo de Guzman ang inihanda para sa exhibit.
Ayon kay Trinilla, malaki ang naitulong ng mga deboto ng santo at mga kaibigan ng mga Dominikano sa pagkakabuo ng exhibit.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa mga tumulong sa amin sa pagkakabuo ng exhibit. Boluntaryo silang nagbigay ng suporta nang walang kapalit,” ani Trinilla.
Pinangunahan nina P. Ferdinand Bautista, O.P., direktor ng museo, at Rei Nicolas, curator ng museo na nagdisenyo ng pagtatanghal, ang pagbuo ng Santo Domingo Exhibit sa tulong nina P. Rolando Castro, O.P., syndic ng Dominican Province, P. Anton Eudela, O.P., master ng novices, Tom Joven, Jerome de Jesus, Noel Abquilan, Gino Marasigan, Dr. Jojo Valencia, at ng Bahay Dominiko, at Letran College-Calamba.
Ilan din sa mga tumulong sa pangangalap ng impormasyon ukol kay Santo Domingo ay sina Bro. Jessie Yap,O.P., Bro. Mhandy Malijan, O.P., Bro. Paul Lovell Javier, O.P., at Peter Paul Nicolas. Magsisilbing paunang bahagi ang Santo Domingo Exhibit sa Grand Rosary Exhibit na idaraos sa Sto. Domingo Parish sa Septyembre at Oktubre.
“Isang panimula ang pagtatanghal na ito tungkol kay Sto. Domingo sa Grand Rosary Exhibit na gugunita naman sa ika-100 taon ng Canonical Coronation ng Birhen ng Banal na Rosaryo, ang La Naval de Manila,” ani Trinilla.
The Varsitarian. Tomo LXXIX, Blg. 3 • Setyembre 7, 2007

No comments:
Post a Comment